JUAN-dering why?


Ang lala na talaga ng  Politics dito sa Pinas, actually matagal na!  nakakaumay,nakakasawa, nakakasuka,nakakaloka! Wala ng pag-asa! kahit sino pang pumalit, eh pare-pareho naman silang lahat na niloloko nalang ng taong bayan, wala  ng totoo, wala ng tama, wala ng matuwid. Mga paasa! kunwari ito ang dahilan, kunwari para sa bayan, pero ng totoo, para sa sarili, para sa pera.

Ang corny na! “para sa bayan, para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino”, kaya ayokong magregister at bomoto ih, hindi ako excited maging botante,feeling ko masasayang lang ang effort kong pumila, oras at energy wala din namang patutunguhan. Lahat naman sila palamuti lang sa gobyerno, kumikilos at pumapapel lang pag malapit na ang eleksyon

Lahat mga uhaw sa kapangyarihan, ano ba???? nakakairita na yung mga pagmumukha ninyo sa mga commercial sa tv at radyo, nagsasayang kayo ng pera para sa mga ads na yan, ih kung ginamit nyo nalang kayang pantulong sa mga nangangailangan, imagine kung ilang milyon ang ginagastos nyo sa bawat pagflash ng mukha at pangalan nyo sa TV. Ipapangalandakan at iisa-isahin lahat ng proyektong ipinagawa, pero saan ka pera naman ng  bayan ang ginamit, kapal ng mukhang mang-angkin, kayo lang naman ang namahala pero di naman talaga inyo, Kasama na yung mga naglalakihang tarpaulin kung saan nakaprint ang close up na pagmumukha,na kumakalat sa kung saan saan na dagdag dumi at basura lang naman.

Sabagay ano nga bang pakialam ko sa pera nyo, ih pera NYO naman yan, PINAGHIRAPAN nyo. Hala sige bahala kayong gumasta.

Sa mga balita, oras -oras,araw-araw, sila ang laman ng balita, nagsisiraan,nagpapalitan at nagpapasahan ng mga kanya-kanyang baho at patutsada, hindi pa nakuntento, uungkatin pa lahat pati ung history ng mga kanunununuan. The heck! 20th century na tayo! Panahon pa ni kung sino yang style nyo. Nakakasawa na! Bat hindi nalang kayo magtulungan, hindi yung pinag-aaway nyo pati mga tao. Lumaban kayo ng patas, TAPOS.

Pag natatalo, lalabas ang isyu ng dayaan, anoooooooo baa????????, tapos magkakaroon ng RECALL, tapos RECOUNT, ??tapos anu na??? Paulit-ulit na siklo ng pulitika.

Tapos  pag umabot sa sukdulan??  papasok na yung mga politically motivated crimes, like , murder, illegal detentions, massacre, at aba pati mga inosenteng Journalists ih dinadamay nyo pa, ih ginagawa lang naman nila ang mga trabaho nila ng maayos.

Kayong mga pulitiko sana, kung wala kayong magawa sa buhay nyo ih manahimik nalang kayo, Kapangyarihan to rule over lang ang binigay sa inyo, hindi kapangyarihang kumitil ng buhay ng may buhay.

Kung magnanakaw man kayo since yun naman talaga diba in the first place yung political goal nyo, ayusin nyo naman, gawin nyo naman ng maayos at malinis, para di kayo nahahanapan ng butas at nang hindi na kayo makapandamay ng mga inosente at mga walang kalaban-laban sa inyo para lang maprotektahan ang  pangalan nyo.

Nililito nyo lang ang mga tao, pinapaikot sa mga palad nyo, inuuto nyo sa mga ube at nakapalumbabang mga papel na pinamumudmod para tumahimik at sumunod sa inyo, Hindi ko naman masisisi ang mga taong yun, ih sino nga ba naman ang tatanggi pa, ih easy money na yun, hindi mo na paghihirapan pa, saa hirap nga naman ng buhay, ih sino pang tatanggi, hindi lang nila alam, tira-tira at kakarampot lang ang mga iyon kumpara sa tinatamasa ng mga taong kanilang sinasamba.

Hanggang kelan kaya ang forever nito???? hohohooo, ano daw?

Sa pagputi ng uwak? Ilang blood moon pa ba ang dadaan at lilipas? Ilang teorya ng End of the World pa? Ilang Once in blue moon pa?

hahaha,walang koneksyon yung huling moon, pasensya.

Advertisements

One thought on “JUAN-dering why?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s