about ‘He’s Into Her’ (a watty story by ms. Maxinejiji)


His into Her  ni Ms. Mxine Calibuso Lat o mas kilala sa pen name na Maxinejiji

It’s not a Book or wattpad preview i just feel like writing about it, because the story is very interesting, not the usual na nababasa ko tho, tagalog sya, hmm,tangkilikin ang sariling atin!

Ito talaga yung pinakamaganda at kauna-unahang tagalog story na super di ko tinantanan at never ko tinanggal sa lib ko kahit natapos ko na yung season 1 and 2 na nabasa ko sa wattpad, so far, ito yung the best.

Hindi ito puchu-pucho lang, I’m telling you, i won’t be recommending this kung hindi ito maganda.

hindi sya pabebe, pasweet, or whatever kacheesehan, IBA to!!! 😀 😁 😂

ito na ang din ang nag iisang dahilan kung bakit hindi ko maun-install sa phone at lappy ko ung wattpad, dahil araw-araw pa din akong nag aantay sa update nito which  is nasa Season 3 na  at on-hold.

hmmm, tatagal ba to ng ganto kung hindi maganda?

yeah, wattpad, 🙂

Grade 6 ako ng naintroduce sakin ‘tong wattpad, syempre dahil newbie puro in tagalog talaga ang laman ng lib ko, kung hindi suspense, teen fiction or fan fiction ang genre ng binabasa ko. super Cliche, Ou, syempre, gusto kong kiligin kahit na napakapredictable at OA na yung iba.Sinubukan kong magbasa ng mga hindi pa tapos or yung mga oh-hold, pero nakakainis yung iba kasi antagal mag-update, so start nun, di mo na talaga ako mapapabasa ng on-hold kasi nabibitin ako. Dumating yung point na halos di na ako natutulog sa pagbabasa lang, hanggang sa 3nd year HS ko, ganun ang sistema everytime na may vacant ako, at pag vacant sa school, since bawal ang gadgets, you can see me talking with my friends about sa mga stories na nabasa namin sa wattpad, tas mag susuggest ng babasahin at mga hindi dapat, actually dahil sa kaadikan namin nakagawa kami ng isang kwento, which is based sa experience naman ng isang classmate ko, kami lang gumawa ng kwento, pero hindi ako ang nag-publish nun, hahaha. 2nd year naman nung nag start ako magpalit ng genre, puro english naman na action-filled, sci-fic ,mystery and medyo mature yung theme, yung alam mo na 🙂 syempre para makaencounter na din ng new vocabs, , puro english stories na ang laman ng lib ko, and dahil din dito nakaencounter ako ng iba’t ibang klase ng author, ibat ibang klase ng tao across the world.

He’s Into Her, isinulat ni Ms. Maxinejiji

Hindi ganun ka interesting ang title, pero hindi ko din alam kong bakit inadd ko sa lib ko, hindi pa ganun karami yung readers at followers nya nung mga panahong iyon pero syempre may fb pages na din. On-going watty story na pinagtyagaan kong hintayin ang bawat update. Grabe, isa talaga to sa mga hindi ko tinulugang story,dito rin nagbago ulit ang pananaw ko sa pagbabasa ng mga tagalog story sa watty. Ibang iba sa usual story na mala fairy tale at super duper napakapredictable at halos pare-pareho ang plot at kung saan umuiikot ang story at OA na, pero ito, kakaiba! ang astig, from the plot up to the individuality and uniqueness ng mga characters, super ang galing, mavivisualized mo kaagad ung mga pangyayari, at kahit gustung-gusto ko na magkaroon ng movie or teleserye, wala talagang akong maimagine na local celebrity ang pwedeng gumanap dito, feeling ko walang makakapantay sa standard ko sa pagkakakilala ko kay MAZPEIN DEL VALLE ung protagonist na babae na nasa book.

Ang galing lang nung author, 🙂 kahit na di ko maintindihan minsan dahil nagko-korean sya, ewan never kasi ako naging Kpop fan, kaya hindi ako naging interesado aralin. I love how the story tackles about education, bullying, friendship, gender equality, family, almost everything.

It’s really a complete package, with mystery, action, romance, comedy, tragedy,light and heavy drama, suspense,totoong totoo ang cliffhangers dito, at promise pag natapos mo ng basahin ung unang book, gugustuhin basahin sya from the start, you also have to read between the lnes since may mga hint and clues, eto yung kelangan mo talaga sa Book 1, since may pagkamysterious ang dating.

That feeling na gusto mong maging totoo nalang yung mga antagonist, tapos gusto mo sabunutan at pagsasampalin. Makikita mo yung effort ng author na pag aralan yung bawat scene,and bawat topics, nakikita ko yung effort sa mga choice of words, lalo yung mga school/classroom scene, nakakarelate pati nga mga topics, tapos yung teacher na katulad ni Sir Chupan sa history, omg, relate na relate ako.

As the story evolve, hindi mo mamalayan na naaatached ka na sa mga character, Book 1 palang nga sakin dati ih iniyakan ko na, dahil sa natapos, akala ko kasi di na magkakaroon ng Book 2, since first story yun ng writer at nung tinanong ko dati, ansabi nya pag-iisipan nya pa daw, grabeee namiss ko talaga yung characters and I learn to love them na din. hanggang sa nagkaroon ng BOOK 2, na pahirapan pa kung hanapin kas di sya agad agad makikita kelangan p na name ng author yung hanapin.

The endearments used are also super cool, SENSUI at TAGURO, hahaha, bibili talaga ako neto ng complete book nya from season 1, kahit na yung mga pagmumura ay hindi nakakainis at nakakairita, actually ,I find them very funny pati yng mga expressions nila, TAGSEN feels, hahaha ,.ang hard nung bidaang babae, super astig super cool, and really DEIB is so cute . Hindi sya nakakasawa like ever.! at super for the first time ko ding kiligin sa pagbabasa nito ng sobra, yung tipng tatawa at ngingiti ng mag -isa at iniimagine yung scene na binabasa mo. at you can’t help it na ulit ulitin sya.

And infairness may mga kilala akong guys as in lalaki na nagbabasa nito, ;D ang cool,

at sinasabi ko talaga,pahirapan hanapin yung season 3, hindi sya kasi lumalabas pag snearch mo,kaya for your convenience, here’s the link below!!!! basahinnn nyoo!!!

Swear, hindi kayo magsisisisi 🙂 you gotta love this.

1965721-176-k962246

He’s Into Her(Season 1-Published)

Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang gamit, kayabangan, kaaway at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag-aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-an. Para sa kaniya ay mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin.
	Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sariling magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto.
	Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo.
Siya ba ang gumulo ng buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya? 
Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan.
Ang babae na makapagpapatunay sa kaniya na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.

3942069-176-k368457

He’s Into Her (Season 2-Published)

6b7cfdde87f6872ffe96d2fc91bf6c0b

He’s Into Her (Season 3-on-going)

HE CAN'T GET HER OFF HIS HEAD.

HE'S MISSING HER.

HE'S INTO HER.

Who's "HER"???

GENRE: GANGSTER, COMEDY, ACTION, SCHOOL, NON-TEEN FICTION.

www.facebook.com/hesintoher
Advertisements

9 thoughts on “about ‘He’s Into Her’ (a watty story by ms. Maxinejiji)

  1. I’m sooooooooo glad na may iba rin pala na ganito ang tingin sa HIH. Nakakainis nga dahil commnt ng mga cm ko’y sobrang taas daw at nawalan na sila ng interest PSH!!!!. Pareha kami ng kapatid ko na adic este baliw na baliw sa HIH. Alas quatro na nga ako nakatulog nung binabasa ko ang season . Akala namin nag-iisa este ng nagdadalawa lang kaming ganito ang tingin ng HIH. Ikaw rin po pala ATE.
    YIEEEEEEEEE!!!!

    Liked by 1 person

  2. EXCITED NARIN AKO SA TELESERYE NITO. SABI KASI NILA GINAGAWAN NA…
    THIS IS THE FIRST TIME NA NA-ADDICT AKO SA ISANG LOVE STORY SA WATTPAD. LAHAT NG FIRST SIGURO NARANASAN KO NA DAHIL SA STORY NA ITO. FIRST TIME KONG NANG I-STALK SA MGA CHARACTERS…AS IN DITO KO LANG NARANASAN ANG MAGNAKAW NG PHOTOS AND VIDEOS SA INTERNET. FIRST TIME KONG BUMISITA SA BOOKSTORE PARA LANG TITIGAN ANG ISANG LIBRO O PARA I-CHECK KUNG MAY BAGONG PUBLISH NA BA. AT HIGIT SA LAHAT, FIRST TIME KONG MAG-ADD SA FACEBOOK NG MGA OPERATOR NG CAHARACTERS. HAAAAYYY,,,DI KO NGA MABITAWAN ANG PHONE KO E..HAHAHA.. AND TAKE NOTE,DALAWANG TABLET ANG NASIRA KO DAHIL SA PAGBABASA KO NYAN. KASI KAHIT SA CR DALA-DALA KO PA.. HAHA! AT ISANG BUONG GABI AKONG WALANG TULOG PARA LANG DI KO MATIGILAN ANG PAGBABASA.. BECAUSE EVERY CHAPTER IS WORTH WAITING KAYA ITO LANG ANG BUKOD TANGING STORY SA WATTPAD ANG HININTAY KO BAWAT UPDATE… SOBRANG NAGLO-LOOK FORWARD AKO SA UD EVERY WEEK.!SAYANG NGA AT NATAPOS NA SIYA..PERO OK LANG ATLEAST MAY HUSTISYA ANG ENDING…I SO SUPER LOVE IT!!!!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s