May mga bagay sa mundong ito na ikaw lang ang makakaintindi. Sabihin na nating kahit sabihin ng mga taong nasa paligid mo na naiintindihan ka nila. Iba-iba tayo ng pananaw sa bawat bagay. Iba tayo ng paniniwala.Iba-iba ang ating kwento. Iba-iba ang ating pinagdadaanan. Hindi natin mapipilit ang ibang tao na maniwala sa atin.

May mga pagkakataon na mas maiging wag ka na lang magkwento sa iba. Hindi ko sinasabing sarilihin mo lahat. Hindi rin yun mabuti.

Alam mo kung bakit?

Minsan kasi kahit ipaliwanag mo pa yung sarili mo at yung totoong nangyari, kahit na ipinapakita nilang may malasakit sila, may mga tao talagang mas pinipiling hindi ka paniwalaan hindi man nila sabihin ng harapan. Minsan,magmumukha ka pang desperada.

Minsan feeling mo paranoid ka lang, pero sa kabilang banda, hindi ka naman din manhid, may nakikita at naririnig ka. Lalo’t hindi natin kayang basahin ang isip ng bawat isa. Tandaan natin na hindi talaga mawawala ang mga taong masaya kung ikaw ay minsang madapa.

Kadalasan , ikaw pa na nagpapakabuti ay ikaw pa ang kawawa sa huli. Ikaw na gumagawa ng tama ay ikaw pang napaparusahan. sabi nga ni Kuya “Hindi patas ang Mundo” ,masanay ka na lang!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s