PNOY— “SOON”-na akong Ga-graduate


SONA na naman:)

Sa pagkakaalam ko, pang anim na beses na akong sumusubaybay at pangatlong beses ko ng gumagawa ng reaksyon,  pero ung pangalawa lang talaga ang kailangang kailangan since kelangan sa isa kong Subject–SOC.SCI. ! as requirement, and that was last year. 🙂 at ngayon, wala lang, gusto ko lang.Walang format at mas lalong walang direksiyon! 😀 tayp lang ng tayp!

Pake mo ba! shinasabi ko sayow, walang makakapigil sakin 😀 !Wala akong pakialam kung babasahin mo o hindi, ang alam ko lang mowment ko to..Kung gushtooo mo  gumeywa kaa din ng iyow! 😉

Hmmm.. Sa totoo lang hindi nya naman ako supporter, kahit na I’m so into YELLOW.Tandang tanda  ko pa 6 years ago (Aysesshhhh 😛 ), election period…Ang gusto ko talagang manalo ay yung with the capital V (grade 6 ata ako nun!).Kung alam mo lang, memorize na memorize ko yung mismong campaign ads nya kasama yung mga batang iskwater. 🙂  Ang totoo hindi ko din alam kung bakit.Partly maybe, kasi mayaman na sya, aanhin nya pa ang kaban ng bayan, ang iniisip ko noon malamang gusto nya lang makapwesto para lang maprotektahan  ang kanyang kompanya at naglalakihang mga negosyo upang maipasok at malaya nyang makokontrol lahat at pabor yun sa katulad nyang negosyante.. Ewan ! basta ang alam ko gusto ko syang manalo. Nakikipagtalo pa nga ako sa mga kaibigan ko, at dinidiscourage nila ako, paano lahat sila maka-Yellow Ribbon. Ako pa ba ang magpapatalo? No way. hahaha

Don’t get me wrong, I adore his family, most specially, the late Ninoy  and Cory Aquino. Siguro hindi ko lang talaga sya feel dati. I mean, hindi nya naman kasi ginustong tumakbo in the first place, pinakinggan nya lang kung ano ang gusto ng taong bayan, for which hindi ko din naman sila masisisi, siguro sa dami ng nag-udyok at tumutulak na tumakbo sya ih naengganyo na din sya at tinanggap ang hamon at responsibilidad na nag aabang sa kanya.

So ayon, back to the topic, tulad ng inaasahan ko , dahil huling  SONA nya na, naging summary nga ng pinagsama-samang SONA ang laman ng SONA nya ngayon. As in! (wooaahhhh puro ako SONA) Sinasabi ko na  nga ba ih.  Throwback sa anim na taon nya sa pwesto.Don’t worry,wala naman akong problema dun, ang sinasabi ko lang, hindi ako nagkamali.Tulad ng mga nakaraan, except for last year’s SONA, meron na namang marami/sandamakmak na Insinuations at panlalait (na totoo din naman kasi kahit papano) para sa last administration na dinatnan nya, na ginamit nya as to compare his accomplishments kay GMA.

Pero hanggang ngayon ba naman yung isyu pa din ng administrasyong ARROYO, sya parin ang bida at laman ng SONA kahit na ngayon ay naka house arrest na sya. Grabe! Iba din talaga ang bakas na iniwan ni ate Glo.Hindii naman na bago, kasama naman talaga sa format yun ng SONA nya, kaya nga nung last year medyo nagulat ako dahil sa ibang approach na gamit nya.Last year kasi may pagka “pabebe” ang approach ih. Kung inyo mang pong natatandaan at kung tinablan kayo ng kanyang “Paawa effect”.Don’t worry, tinablan din naman ako kahit papano. 😀

Sa simula ng SONAng  ito, nabuhay na naman ang “Ang hello Garci” at ang matik na “I am sorry”.Naloloka ako, pramis 🙂

“Paano nauuna ang response? Para mo na ring sinabing nag-reply ka sa taong hindi ka naman tinext”

natawa ako dito ng bongga!  hahaha,may naalala lang kasi ako,at may namimiss ako, yung mga kwentuhang walang kwentang puro hugutan.humuhugot ng bahagya ang ating pangulo! 😀

Pero mas gugustuhin ko  sanang pakinggan mula simula hanggang matapos ay mga magagandang bagay na nagawa nya sa panahon nya. Ano pang silbi ng mga pamumunang iyon, hindi na rin naman natin pa maibabalik pa ang nakaraan na. And hello! hindi na pinangagalandakan ang mga bagay na ganun, hindi naman bulag at bingi tayong mga Pilipino para hindi alam ang bagay na iyon.Feeling ko nga pampahaba lang iyon ng sasabihin.Hindi sa sinasabi kong kalimutan na, ang ibig ko lang sanang sabihin kasi ay pulit-ulit nalang, matagal na kasing isyu yun at alam na rin naman na iyon ng taong bayan. Hmm. Puro nalang “nakaraang administrasyon” ang nababasa ko. nababasa since di ko napanuod nor napakinggan yung SONA nyang live sa TV since may klase ako. Sadlayp 😦

In fairness napaniwala nya akong di sya kurap, I mean, naniniwala naman ako na hindi sya kabilang sa mga buwaya sa pwesto. I do salute him for that. And that’s why I learn to like him na rin kahit papano, but not really like, like-like. let’s just say that i find him “okay” or good.

“Kung hindi agad malutas ang mga problema, gaano kahaba ang magiging pasensiya ng aking mga Boss, bago nila ibaling ang galit sa akin? ”

Halos lahat nalang ng problema ng mundo at ng Pilipinas isisi  na sa kanya, kulang nalang pati mga pagbaha at dumarating na kalamidad at bagyo kasalanan nya na.napaka-unfair noh?  :)I got his point naman, wala ih, ganto talaga sa Pilipinas, ikaw na presidente, pagkababa na pagkababa mo ng pwesto sandamakmak at libo-libong kaso ang nakapila laban sayo. Sino pa ba naman ang gaganahan nyan, Ikaw na nga ang namamalasakit ikaw pa din ang may kasalanan at sisisihin sa huli kahit na ginagawa mo ang lahat. Kaya siguro yung iba mas pinipili nalang magpakasarap nalang habang nassa pwesto.Yung iba natetempt na din sa huli na gumawa ng mali para sa sariling interes. Hmmm.Napapaisip tuloy ako kung bakit nga atat na atat na si VP BInay na palitan si PNOY,at kung bakit sa kabila ng lahat ng ito, sa kabila ng nagyari kay Pres. Erap, at GMA ay marami pa din ang naghahangad sa posisyon. Is it the money ba talaga?

“Ngayon, ang Pilipinas, nabansagan nang “Asia’s Rising Tiger,” “Asia’s Rising Star,” at “Asia’s Bright Spot.” “[Palakpakan]

EDI WOW, hahaha.Ramdam nyo ba?ako? hindi ko  talaga alam…ewan, siguro.di ko alam.Andaming pera, andami daming perang nabanggit, ewan ko, ayoko ng magsalita tungkol dito. Madami naman kasi daw talaga tayong pera.Wala akong sinasabing wala syang ginawa, ang totoo nakikita ko naman lahat ng efforts nya, pati buhok nga sa ulo nya sinasakripisyo nya,ewan ko lang kung pati buhay ng iilan para sa kapakanan ng nakararami.

Marahil ang epidemya ng kurapsyon sa Pilipinas ay hinding hindi na talaga masusugpo, kahit sino pang presidente ang ipalit natin, MATIRA MATIBAY NA TO’ ANG SUMUKO TALO,bahala kayo!basta kami may pera!Marahil wala talaga ang problema sa kanya kundi sa mga taong nakapaligid at mga mismong nasa administrasyon nya din, sila na may ibang pakay at motibo.

Tulad na lamang ng sa DSWD, sa 4 P’s, ih kasi hindi naman talaga nasasala ng maayos ang beneficiaries sa ibang lugar o probinsya, yung iba palibhassa kamag-anak at kakilala ng nasa loob, automatic beneficiary na, kaya sila na sana magbigay daan sa mas nangangailangan ih sila pang tumatanggap. Well, based talaga ‘to sa napansin sa hometown ko. Gantong-ganto.

Sa DEPED naman, madami pang mga paaralan sa mga probinsya, sa mga remote areas na kailangang pagtuunan ng pansin. Sa palagay ko kasi ay hindi pa talaga tayo handa sa K to 12 curriculum. Marmi pang kailangang kakulangan ang dapat mapunan.

“Naipamahagi na natin ang karagdagang 73.9 million textbooks, na susundan pa ng 88.7 million ngayong taon.  Ngayong 2015 din, naihatid na sa mga paaralan ang 1.6 million na upuan, na daragdagan pa uli ng 1.6 million bago matapos ang taon. – ”

Nasisiguro nga bang nakakararating ang mga ito sa dapat na makatanggap o nakatengga pa din ang mga ito sa mga bodega ng mga Division Office at inaanay nalang at inaalikabukan at mistulang mga daga, ipis at butiki ang mga nakikinabang na sa halip sana ay nabubuklat at nagagamit ng mga katutubong pilit na isinasantabi ang kahirapan para lang makapag-aral sa kagustuhang makatapos at maiahon ang pamilya sa kahirapan. Mga batang naglalakbay ng milya-milya, tumatawid ng ilog, umaakyat ng ilang bundok, sumusuong sa bagyo, baha, putik, para lang makapasok sa maliit na paaralan na walang laman ang tiyan, na pinagtitiyagaan ng mga gurong kahit maliit lang ang sahod at tinitiis ng lungkot na malayo sa sariling pamilya para lang bigyan ng kaalaman ang mga batang ito na sa murang edad pa lamang ay may mabigat ng responsibilidad na nakaatang sa balikat at pilit na iginagapang ng mga magulang.

May naramdaman din naman akong pagbabago, di maitatanggi iyon. Sinubukan nya naman punan kahit papano ang kakulangan, kaso kulang pa talaga. I mean, mahaba haba pa ang lalakbayin, sabihin na lamang natin na isang panibagong simula ang hatid ng administrasyon nya,sana nga lang ay hindi magtapos dito ang lahat, kasabay ng pagtatapos ng termino nya.

“Siyempre po, kahit kaliwa’t kanan na ang ebidensiya ng pagbabago, mayroon pa ring kontra sa Daang Matuwid. Ang hirit nila: Mabagal daw tayo. Kapag sila raw ang naging Pangulo, sigurado, gaganda ang buhay. Sa mga medyo may edad po, ang isasagot dito, “Ah, ganun?” sabay taas ng kilay. Para naman sa kabataan, iba na raw po ang tugon nila sa ganoong pahayag, iba na daw po ang uso ngayon eh: E di wow.”

hahahaha!!!aheemmmmmmmmmmmm.eto paaaaaaaa.

“kay Paul Cabral, na laging sinisigurong maayos ang aking kasuotan,tuloy akala nila mayroon akong fashion sense; at kay Cherry Reyes, na nag-aayos ng aking buhok, at nagmimistulang economics practitioner dahil pinupunuan niya ang unlimited wants with very limited resources; ”

He deserves another EDI WOW! :DSiguro di ko na kailangan pang isaisahin, sobrang dami, sobrang habang listahan ng iba’t ibang departamento, lahat naman talaga may butas at kapalpakan.Hindi ko na din siguro kelangang isa-isahin pa yung mga taong ipinakulong nya at sinibak nya sa pwesto, kung talaga ngang may kasalanan sila ih dapat lang na pagbayaran nila. CORONA,REVILLA, ESTRADA,NAPOLES, ENRILE, ARROYO atp..Pero wag nyo din  aasahan na basta basta nalang makakalimutan ang mga kapalpakan ng malapit ng gumradweyt na administrasyon, PDAF SCAM, FALLEN 44, atbp.

Siguro panahon na din para pagpahingahin na natin sya sa  sobrang daming stress na naidulot ng pagkapangulo nya. Ang kelangan na lamang natin ay ang magpapatuloy ng kanyang nasimulan, na sana nga dahil hindi pwedeng mapunta sa wala ang lahat ng paghihirap at sakripisyo nya, dahil malaming balik na naman tayo sa uno at maaaring di na tayo makabangon at makausad muli.

Siguro kung nakulangan man ako, yun ay ang tungkol sa pinag-aagawang teritoryo, hindi naging malinaw ang pahayag at plano para don. Mananatili na lamang ba tayong walang kibo. Hahayaan na lamang ba natin na matapos ang ginagawang reklamasyon ng mga Tsinong iyon. Tho, alam nating lahat na wala naman talaga tayong laban doon. Hello, takot lang natin, pero magtatapos na lamang ba ang lahat doon?

At tulad ng inaasahan ko, at malamang ng lahat ng nag-aantay na mamention ang pangalan sa mikropono ng pangulo, ang mga nagnanais na maendorso at makakuha ng suporta sa kanaya para sa nalalapit na pagpapalit ng administrasyon, hindi mawawala ang halos  walang katapusang listahan ng mga pinasasalamatan nya,

but wait, may nakalimutan po ata kayong pasalamatan Mr. President?

Was it really intentionally?You seem forgotten someone.  Your not-so-aged 🙂 aspiring successor from Makati. Your Frenemy.hmmm, I don’t know what you’re really up too..hmm,as for those who wait kung sino ag iindorso nya for election 2016, hmmm

For me it doesn’t matter anymore(ewan ko sa iba), at kung sakali I agree na dapat ibigay nya nalang yun kay Sen. Mar. (tho makaGRACE at DUTERTE ako)you know, after all what sen. Mar Roxas did for him, for all the sacrifices for giving his way for PNOY to run for Presidency last 6 years ago. Kahit sa Sake ng friendship nalang.

“Opo, simula pa lang ito. Simula pa lang ng isang bansang hindi mapapayuko, bagkus ay nagiging huwaran ng paninindigan sa buong mundo. Simula pa lang ng ginhawang bunga ng kalayaan mula sa katiwalian. Simula pa lang ng lipunan kung saan ang bawat Pilipino, kung magbabanat ng buto, kung gagawin ang tama, ay tiyak na aasenso. Simula pa lang ito, at hinahamon tayo ng kasaysayang diligan ang transpormasyon, upang magbunga ito ng mas marami pang pagkakataon para sa mga susunod na salinlahi. ”

“Simula pa lang ito. Nasa unang yugto pa lang tayo ng dakilang kuwento ng sambayanang Pilipino. Sa gabay ng Panginoong Maykapal, at sa patuloy nating pagtahak sa Daang Matuwid, lalo pang tatayog ang mga pangarap na maaabot natin. Lalo pang lalawak ang kaunlarang tinatamasa natin. Nasasainyo pong mga kamay ang direksiyon natin.”

Great ending pero I agree with those political analyst na sinabing parang kulang pa din. :)Pero kahit ganun hindi naman ako nadismaya kahit papano.And I want to say congratulation since nasurvive nya yung term nya,Soooooooooooooo…His excellency Pres. Benigno Aquino III,Please accept my apology for not believing you at first.

Congratulations and Thank you! May God bless you.

Taposssssssssssssssssssssssssss.

Advertisements

2 thoughts on “PNOY— “SOON”-na akong Ga-graduate

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s